Saturday, January 5, 2008

this is really is it... is it? i think so? maybe?

final chapter...

ano to starwars saga... eniweys... matuloy ko na... eto yung pic kung bakit sila natawa... kayo na bahala kung bakit nga ba sila natawa...


ayy basa camera ko.. pramis...

so di na kami umulit.. nanood na lang kami ng "dreams on parade" ang galing... halos lahat ng disney characters ay naroroon tulad nila mighty mouse, woody woodpecker, johnny bravo, power puff girls, thundercats, at g.i. joe... tuwang tuwa nga ako... first time ko kasing makakita ng mga dancers na mahuhusay mag-lipsync... parang milli vanilli...


oh mickey you're so fine!


shake it donald!


peter pan...not..


sleeping beauty daw o..

para sa ibang mga pics... click nyo lang yun slide show sa kanan.. para kumita ako ng pera kasi pag marami kayo na click.. yayaman ako! sige na! click click na!

after the parade... nagutom na naman kami.. pero di na kami kumain.. ang ginawa namin... nag shopping... sila lang.. kasi wala na akong pera... bale nag sukat lang ako ng ibang gamit...



bagay ba?

tapos nagpunta kami sa "it's a small world after all" inantok ako... pramis... then ikot ikot lang sa palgid.. then nalaman namin na ang "dream lights" ay alas singko... eh maaga pa.. kaya nag "pirates of the caribbean" muna kami... at dun ko na realize na mukhang maganda pala sya.. kaya naisip ko na pagbalik ko ng bahay idodownload ko yung 3 movie ng pirates... aba alas 4:45 na pala... pumusisyon na kami.. para manood... para sa full coverage click nyo na lang uli yung nasa kanan... o kaya click nyo to "PICS SA DISNEY" payamanin nyo naman ako... ehehehehe

after ng dream lights... medyo pinalalabas na ang mga tao dahil magsisimula na ang countdown... kaya nga naka huling hirit pa kami sa haunted mansion... kala ko nakakatakot.. nakakatuwa nga sya eh.. kasi yung effects panalo.. para talagang may ghost...

lumabas kami ng disneyland... para pumila uli... eh nagugutom na kami... pero buti na lang mabilis naman ang pila.. mga 1 hour and 30 minutes.... uso rin pala sa kanila ang singitan at tulakan.. kala ko sa pinas lang nangyayari yun... dito rin pala sa japan.. syempre habang nasa pila.. picture picture muna...


wag tayo dito.. kuha tayong kwarto!


san ko ba nilagay yung cap kong blue na may mata? hmmm

pagpasok namin sa loob syempre gutom na ako.. kaya medyo dedma muna sa iba at kumain muna ako... nabusog naman ako ng konti pero bitin pa rin... at ng lumabas kami.. nagsimula na ang huling hirit ng gabi.. pre-countdown celebration!


laser show while mickey is dancing.. ANG GALING!

bago magsimula yung fireworks... medyo umaambon.. tapos biglang naulan.. nakakaawa nga yung mga performers kasi basang basa sila.. pero sabi nga nila.. the show must go on....

exciting.. mapapaindak ka rin sa sayaw nila.. at dun ko lang nalaman ang tamang spelling ng pangalan ni mickey mouse... o di ba.. educational... at ang ganda ng tugtog nila... kasi naman next year ay year of the rat.. eh di ba si mickey daga.. so taon nya daw next year.. o di ba connect!

overall ang impression ko sa disneyland ay napakaganda... bitin ang isang araw para ma tour mo sya ng lubusan pero i enjoyed every moment.... di ko na napansin na butas na bulsa ko... ang mahalaga enjoy at super saya! so tapos na ang kwento kong disney! juice ko po.. dami akong na miss out na mga araw.. pasensya na.. bwiset na movies na nadodownload ko... laging DVD quality... eh nood lang ako ng nood! sige lang! yahoo!! o paano sa sususnod uli na update.. sana di kayo magsawa sa kakornihan ko... sabi sa inyo eh.. magcomment kayo... pambihara.. bye!

Wednesday, January 2, 2008

this is really is it... is it? really?

ika-4 na yugto...


hihingi po muna ako ng paumanhin sa mga nag-aabang ng karugtong sa aking mga kuento... ako po'y nagkasakit kahapon at nangailangan ng ibayong pahinga ng sa gayon bumalik kahit 80% ng aking lakas... maraming salamat sa inyong walang sawang pagtangkilik...


sige mag movie marathon ka pa!

tuloy ang kwento...

*TSUG* yun yung sound effects nung kinabit yung safety something sa amin... katabi ko si Mark.. gusto namin sa unahan pero sila ang nag-aassign ng seat para sa amin... so umandar na... ETO NA!
ang saya saya! WOOOO!

o di ba ang saya... mas gusto ko sana may umiikot pa... para naman makalog ang utak ko.. ehehehehe.. ok naman ang ride... rate ko dito 3.8 out of 5, bakit kanyo.. eh gusto ko eh, pakialam nyo! ang haba kasi ng pinila namin jan... mas matagal pa yung chismisan namin kaysa yung actual ride... well ganoon talaga.. bwisit na fast pass yan oo...

so medyo kumalam na tiyan namin... kaya kain muna kami.. at WOW! super mua ng pagkain! as in... kung ikaw si Henry Sy... pero pwede na.. edible naman at mukhang malinis... nakita ko kasing sinasabon muna yung mga karne bago lutuin.. super linis nga...


jane.. ibaba mo yang camera!

pagkatapos ng quick lunch... medyo gusto ko pa uli umikot ang sikmura ko... so yung pinaka dangerous "daw" na attraction.. (lagi na lang dangerous... hindi naman).. ang "SPLASH MOUNTAIN! eto yung attraction tulad sa may "STAR CITY" kung saan may natakot na bata at tumalon.... well hindi naman ganoon dito.. safe naman sya... pinahawak nga kami sa pantalon namin pagkasakay at wag daw naming iinumin yung tubig kasi hinaluan nila ng formalin.. eniweys.. di kami takot, kami pa... eto yung mga pics... *reader and viewer discretion is advised*


before pic...


after pic..
ETO NA!!

basang basa kami... nabasa nga ang camera ko... buti na lang ok pa sya.. kakatukin mo muna bago sya umandar pero pwede pa naman...

eh nagutom na naman ako.. este kami.. saka di pa kumakain si jane.. kaya sinamahan muna namin... as usual dun kami sa mura uli.. kasi malinis sya...


100% pure extenders..

at syempre di mawawala ang pictorial namin.. balak naming mag model talaga eh...


TH models... trying hard...

sandali maliligo muna ako... habang naliligo ako.. panoorin nyo to... super cute!

judy and mary.. soundtrack ng samurai x...sobakasu

game balik na..
dapat pupunta na kami sa horror mansion.. eh may parade pala kaya di muna kami tumuloy... instead bumili kami ng ticket pa uli para sa splash mountain paano gusto nila sila yung nasa unahan. kasi ayos yung picture namin.. bumili kami ni mark ng tig-isa.. ewan ko ba kina jay-r ay genelyn kung bakit sila natawa.. kayo.. alam nyo ba kung bakit sila natawa?

aba.. akalain mong may part 5 pa.. eheheheh ang dami kasing adventure.. kung alam nyo lang.. bwehehehehehe sa susunod uli... madami pa to... for complete pictures visit my multiply site http://potsquared.multiply.com di kayo magsisisi.. paalam!

Monday, December 31, 2007

this is really is it... is it? ain't?

ikatlong yugto....

talagang iba ang atmosphere sa loob... lahat nakangiti.. at dito.. hindi bawal ang kumaway!! *wave hands* pagpasok.. madami ng stores na pwede kang bumili ng mga overpriced disney items... but.. who's complaining.. mayayaman ang mga kasama ko kaya buy lang!


ano ba ang magandang bilhin?

first stop... imagination institute.... nakalimutan ko yung name nya talaga eh... sinulat ko pa di ko naman naiintindihan sulat ko.. engot ko talaga.. eniweys... ang feature film ay "honey i shrunk the kids" movie noong panahon na hindi na ninyo sya matatandaan (1989)... magandang movie.. pramis... pangbata sya... 3D ang effects... nakakatuwa na nakakagulat... overall.. rating ko sa kanya.. out of 5... 3.. bakit... eh kasi naman... medyo corny ang storyline nya... sowee....


dorky galsses.. COOL!

next stop... ang space mountain! syempre medyo kabado pa kami... kasi grabe daw to... katakot... well i was not expecting this... pero sinasabi, kung may heart condition ka daw eh wag ka ng sumakay.. inay! eto na ba ang pinaka nakakatakot na ride? naku po! katakot! ayun na sa pila pa lang.. kabado na...


kinakabahan na ako niyan.. hindi ba halata?

akyat ng escalator.... nakasingit kami sa pila kasi may "fast pass" kami ayan na, pinasakay na kami.. nagdasal ako ng kaunti... "juice ko po.. kayo na po bahala sa akin..." at AYAN NA!!! ayyyy... bakit mabagal saka madilim.. paano ako magpipicture? anak ng tinapay.. total darkness with stars above the sky.. pero masaya din kasi hindi mo alam kung ano mangyayari.. exciting!! rating ko for this ride... 3.5 out of 5.... enjoyable naman sya yun nga lang parang bitin.. sandali lang. saka hindi ko naramdamang umikot ang sikmura ako... ehehehehe pero saya!

tsugi... CR break.... at alam nyo naman na ako ang official correspondent pag nagpupunta ng CR.... so eto video ko ng nasa loob ako ng public CR sa disney...


ano ba yan trying hard mag-english.. pwe!

medyo masikip... saka old model ang toilet nila... di pa high-tech... so on with the adventure... kakapagod din pala.. pero di pa kami gutom... isa pang ride.. ang "big thunder mountain" medyo malayo sya kaya sumakay kami ng jeep... na hindi pala dapat sakyan kasi umikot lang sya pabalik kung saan kami sumakay.. at least nakapagpahinga no...


beep beep! sabi ng sosyal na jeep!

naglakad na lang kami at syempre.. nakarating din kami sa aming destinasyon... syempre excited ang lahat... kaya dali-dali kaming nag picture picture!


eto na ba katapusan ko?

nakasakay na kami... di ko maexplain... sa part 4 ko ieexplain... baboosh! bwahahahahahaha


Sunday, December 30, 2007

this is really is it... is it? does it?

part 2... hay naku... all excited and happy kami... sabi ko sa sarili ko.. "makikita ko na rin ang idol kong cartoon character.. si bugs bunny!" aba! kung saan may bumatok sa akin "tungek! looney toons yun!" aba lokong jane to... kung makabatok kala mong pagkalaki-laki... di lang ako pumapatol sa bata.. naku!

eh di lakad kami... lakad... lakad... lakad.... malayo pala papuntang disneyland... ayun tanaw na namin...


ayun o ang "mickey train"

sa wakas.. nandito na kami!!! syempre picture picture muna....


yung dalawang haponesa sa kaliwa napulot lang namin...


ebrideyebrideydamagikishir!

ayan na! eh lintik.... malayo pa pala yung main entrance... kung baga trail pa lang leading to the fun land.... hala lakad pa... lakad... lakad.... ETO NA! SHET!


hay salamat! TADAN!


at dahil napagod kami... nagpatuyo muna kami ng basang kili-kili...

pagpasok pa lang namin sa entrance... may sumalubong agad na magandang palamuti sa mata.... dahil nga naman next year ay year of the rat... parang sinasabi nila na taon ni mickey mouse.... o di ba connect...


sana hindi namin tinakpan no...


ayun may solo pic pala ang palamuti.. 'nak ng tinapay oo..

pagpasok pa lang namin... nasalubong agad namin ang ibang mga disney characters... tulad nila...


pee wee herman


si gandalf ng Lord of the Rings..


si theodore ng alvin and the chipmunks..



at si porky pig

dami no... wala pa ako sa 1/4 ng story ko sa sa part 3 na lang ha.... adios!

this is really is it... is it?

grabe... lumalamig na dito sa Japan... ang winter kasi dito january at february... hay naku... wala pa akong winter clothes.. patay... bahala na si batman... eniweys... wala akong kwento tungkol sa akin... bali may na puntahan akong site... yung pic mo pwedeng i magazine... eto sample...


o di ba pang model material.. ehehehe

eto bale yung site magmypic.com subukan nyo wala namang mawawala di ba.. ehehehehe..

what can i say... december 29, 2007... napaka-memorable na araw... bakit kamo? aba.. eh nag tokyo disneyland lang naman kami.. ehehehehehe... iba talaga ang experience... you can feel the "magic" maganda yung place... napakalaki.... ang daming attractions... at madaming boys... este.. chicks pala.....

hindi ko pinangarap o naisip na mapunta ng disneyland... kahit nga sa hong kong eh.. kahit medyo mura hindi ko binalak... kasi feeling ko hindi ako mag-eenjoy.... matanda na ako siguro... pero nung nagkayayaan na magpunta sa tokyo disneyland... sabi ko "magkano ba?" sabi ni jay-r "potpot, 5800 lang... minsan ka na nga lang dito.. malay mo." o di ba napaisip ako.... oo nga naman once in a lifetime chance ito.. saka pwede na yung price nya.. ride all you can pa.... so sabi ko.. "sige! sama ako jan!"

december 28 pa lang ng gabi... di ko masasabing excited ako... talagang di ako makatulog... insomia ito... alam nyo yung feeling na inaantok ka na... pero di ka makatulog... so ginawa ko.. naglatag ako at nanood ng Bourne Identity... medyo luma na no... pero gusto ko syang simulan uli.. para ma-gets ko yung story.... later.. nakatulog na ako....

4am nagising na ako.... pupungay-pungay pa mga mata ko... tapos naligo na ako... ang plano.. 5:45am alis na.. eh kaso mo.. naulan.... bwiset.... kala ko nung gabi eh na hinto na.. hindi pa pala... oh well naurong ng konti... 6:05am nang umalis kami at dahil medyo matagal ang bus... lakad na lang kami.... sakay ng densha.. nakarating ng tokyo... lipat ng ibang line.....


the walkalator...


ang hirap pag may digicam.. wala ka sa picture.. bwiset!

nakarating na kami sa station na kung saan talagang pang disney sya... paano ba naman lahat ng tao nag si babaan ng tren... eto agad ang sumalubong sa amin...


kaway kaway!

o di ba.... eto trivia... tokyo disneyland ang tawag sa kanya pero meron ding tokyo disneysea... kasi po... tokyo disney resort sya.... astig!

that is part 1.. later is part 2! bye!