Monday, December 31, 2007

this is really is it... is it? ain't?

ikatlong yugto....

talagang iba ang atmosphere sa loob... lahat nakangiti.. at dito.. hindi bawal ang kumaway!! *wave hands* pagpasok.. madami ng stores na pwede kang bumili ng mga overpriced disney items... but.. who's complaining.. mayayaman ang mga kasama ko kaya buy lang!


ano ba ang magandang bilhin?

first stop... imagination institute.... nakalimutan ko yung name nya talaga eh... sinulat ko pa di ko naman naiintindihan sulat ko.. engot ko talaga.. eniweys... ang feature film ay "honey i shrunk the kids" movie noong panahon na hindi na ninyo sya matatandaan (1989)... magandang movie.. pramis... pangbata sya... 3D ang effects... nakakatuwa na nakakagulat... overall.. rating ko sa kanya.. out of 5... 3.. bakit... eh kasi naman... medyo corny ang storyline nya... sowee....


dorky galsses.. COOL!

next stop... ang space mountain! syempre medyo kabado pa kami... kasi grabe daw to... katakot... well i was not expecting this... pero sinasabi, kung may heart condition ka daw eh wag ka ng sumakay.. inay! eto na ba ang pinaka nakakatakot na ride? naku po! katakot! ayun na sa pila pa lang.. kabado na...


kinakabahan na ako niyan.. hindi ba halata?

akyat ng escalator.... nakasingit kami sa pila kasi may "fast pass" kami ayan na, pinasakay na kami.. nagdasal ako ng kaunti... "juice ko po.. kayo na po bahala sa akin..." at AYAN NA!!! ayyyy... bakit mabagal saka madilim.. paano ako magpipicture? anak ng tinapay.. total darkness with stars above the sky.. pero masaya din kasi hindi mo alam kung ano mangyayari.. exciting!! rating ko for this ride... 3.5 out of 5.... enjoyable naman sya yun nga lang parang bitin.. sandali lang. saka hindi ko naramdamang umikot ang sikmura ako... ehehehehe pero saya!

tsugi... CR break.... at alam nyo naman na ako ang official correspondent pag nagpupunta ng CR.... so eto video ko ng nasa loob ako ng public CR sa disney...


ano ba yan trying hard mag-english.. pwe!

medyo masikip... saka old model ang toilet nila... di pa high-tech... so on with the adventure... kakapagod din pala.. pero di pa kami gutom... isa pang ride.. ang "big thunder mountain" medyo malayo sya kaya sumakay kami ng jeep... na hindi pala dapat sakyan kasi umikot lang sya pabalik kung saan kami sumakay.. at least nakapagpahinga no...


beep beep! sabi ng sosyal na jeep!

naglakad na lang kami at syempre.. nakarating din kami sa aming destinasyon... syempre excited ang lahat... kaya dali-dali kaming nag picture picture!


eto na ba katapusan ko?

nakasakay na kami... di ko maexplain... sa part 4 ko ieexplain... baboosh! bwahahahahahaha


Sunday, December 30, 2007

this is really is it... is it? does it?

part 2... hay naku... all excited and happy kami... sabi ko sa sarili ko.. "makikita ko na rin ang idol kong cartoon character.. si bugs bunny!" aba! kung saan may bumatok sa akin "tungek! looney toons yun!" aba lokong jane to... kung makabatok kala mong pagkalaki-laki... di lang ako pumapatol sa bata.. naku!

eh di lakad kami... lakad... lakad... lakad.... malayo pala papuntang disneyland... ayun tanaw na namin...


ayun o ang "mickey train"

sa wakas.. nandito na kami!!! syempre picture picture muna....


yung dalawang haponesa sa kaliwa napulot lang namin...


ebrideyebrideydamagikishir!

ayan na! eh lintik.... malayo pa pala yung main entrance... kung baga trail pa lang leading to the fun land.... hala lakad pa... lakad... lakad.... ETO NA! SHET!


hay salamat! TADAN!


at dahil napagod kami... nagpatuyo muna kami ng basang kili-kili...

pagpasok pa lang namin sa entrance... may sumalubong agad na magandang palamuti sa mata.... dahil nga naman next year ay year of the rat... parang sinasabi nila na taon ni mickey mouse.... o di ba connect...


sana hindi namin tinakpan no...


ayun may solo pic pala ang palamuti.. 'nak ng tinapay oo..

pagpasok pa lang namin... nasalubong agad namin ang ibang mga disney characters... tulad nila...


pee wee herman


si gandalf ng Lord of the Rings..


si theodore ng alvin and the chipmunks..



at si porky pig

dami no... wala pa ako sa 1/4 ng story ko sa sa part 3 na lang ha.... adios!

this is really is it... is it?

grabe... lumalamig na dito sa Japan... ang winter kasi dito january at february... hay naku... wala pa akong winter clothes.. patay... bahala na si batman... eniweys... wala akong kwento tungkol sa akin... bali may na puntahan akong site... yung pic mo pwedeng i magazine... eto sample...


o di ba pang model material.. ehehehe

eto bale yung site magmypic.com subukan nyo wala namang mawawala di ba.. ehehehehe..

what can i say... december 29, 2007... napaka-memorable na araw... bakit kamo? aba.. eh nag tokyo disneyland lang naman kami.. ehehehehehe... iba talaga ang experience... you can feel the "magic" maganda yung place... napakalaki.... ang daming attractions... at madaming boys... este.. chicks pala.....

hindi ko pinangarap o naisip na mapunta ng disneyland... kahit nga sa hong kong eh.. kahit medyo mura hindi ko binalak... kasi feeling ko hindi ako mag-eenjoy.... matanda na ako siguro... pero nung nagkayayaan na magpunta sa tokyo disneyland... sabi ko "magkano ba?" sabi ni jay-r "potpot, 5800 lang... minsan ka na nga lang dito.. malay mo." o di ba napaisip ako.... oo nga naman once in a lifetime chance ito.. saka pwede na yung price nya.. ride all you can pa.... so sabi ko.. "sige! sama ako jan!"

december 28 pa lang ng gabi... di ko masasabing excited ako... talagang di ako makatulog... insomia ito... alam nyo yung feeling na inaantok ka na... pero di ka makatulog... so ginawa ko.. naglatag ako at nanood ng Bourne Identity... medyo luma na no... pero gusto ko syang simulan uli.. para ma-gets ko yung story.... later.. nakatulog na ako....

4am nagising na ako.... pupungay-pungay pa mga mata ko... tapos naligo na ako... ang plano.. 5:45am alis na.. eh kaso mo.. naulan.... bwiset.... kala ko nung gabi eh na hinto na.. hindi pa pala... oh well naurong ng konti... 6:05am nang umalis kami at dahil medyo matagal ang bus... lakad na lang kami.... sakay ng densha.. nakarating ng tokyo... lipat ng ibang line.....


the walkalator...


ang hirap pag may digicam.. wala ka sa picture.. bwiset!

nakarating na kami sa station na kung saan talagang pang disney sya... paano ba naman lahat ng tao nag si babaan ng tren... eto agad ang sumalubong sa amin...


kaway kaway!

o di ba.... eto trivia... tokyo disneyland ang tawag sa kanya pero meron ding tokyo disneysea... kasi po... tokyo disney resort sya.... astig!

that is part 1.. later is part 2! bye!



Tuesday, December 25, 2007

this is the moment...


pwedeng model... RDL for men... 3 tablespoons a day keeps the "kulugos" away...

MERRY CHRISTMAS!! sorry kung na late ang pag post ko dito.. late na rin kasi ako nagising... mga bandang 11 am.... paano ba naman.. natulog na ata ako mga 6am.. alam nyo ba kung bakit... eh paano ba naman.. nagkaroon kami ng munting salo salo sa "pad" ni jay-r... ang saya sobra... first time kong mag christmas na malayo sa family ko... kaya kahit malungkot... masaya pa rin... hindi ko ma upload yung videos ko dito... masyado kasing malaki yung output file nung sa akin.. icoconvert ko muna... pero yung kay jane na camera.. pwede... yun nga lang inupload ko sya sa youtube account ko.. dun nyo na lang i view para magkaroon ako ng hits.. eheheheheh eto yung link... first video

eto naman sa cam ni jane.. pwede kasi dito kasi maliit lang.. saka malinaw... oo na jane.. mas maganda na camera mo! *pwe*



machos bruhas..

bago nangyari yan.. eto muna yung events prior to the party... bandang 2pm, umalis kami ng dalawa kong kaibigan.. si ryan at mars... nagpunta kaming oofuna para bumili ng makakain at ng malaking lutuan para sa ihahandang bulalo ni mars... nakabili naman kami then nag grocery at bumili ng mga gamit... may nakita kaming nagbigay ngiti sa aming araw.. eto yun..


merry... hmmmmm

pagbalik sa bahay umalis uli kami, ibinaba muna namin yung mga gamit na pinamili tapos punta kami sa bagong gorcery store at liquor store malapit sa amin... pwede.. mura na marumi pa.. eheheh joke.. ok ang price nila.. madami rin akong naipamili for the whole week... eto yung mga pinamili ko....



chocolate para sa altanghap, smirnoff para sa inumin, pringles pang meryenda at chocolates uli pang dessert...


o di ba feel ne feel ehehehehehe, umuwi agad kami.. as usual.. nag iinternet ako.. surfing for pornogr.... educational materials.. ng tumawag sa akin si mars at ang sabi... "pare tara shot na tayo.." nireresist ng utak ko... sabi ng utak ko "calm down potpot... hindi ka iinom.." kaya sagot ko kay mars... "SIGE PARE PUNTA NA AKO JAN!" pag dating dun... nag pictorial muna kami kasama mga laruan ni mars...

autobots... transform... ay maling cartoons yata ako...

tapos nito kami naman ang nag si-pose.....


na recover na namin ang mga escapees ng mandaluyong.. lalo na yung nasa likod..

after ilang hours of senseless talking and watching pornogr... i mean educational materials.. dumating sina dingdong, evitha, and girlie..... di pa sila kumakain kaya kumain muna sila at ipinagpatuloy ang aming pinapanood...

nagkaroon ng konting inuman.. *tubig lang ininom ko* at nang dumating na ang takdang oras.. tinawag na kami ng aming kaibigang si jay-r at pumunta na sa kanyang "pad".. di ko na ikukwento.. tignan na lang ninyo ang mga videos at picture na ibibigay ko.. sana mag enjoy kayo.. eheheheheh...



ang husay talaga ng tripod...


kumpleto second batch except ian... plus adopted first batch.. *join the dark side*


isa sa mga seryosong kuha... pramis...

for now eto muna.... for more pics, visit my multiply account... for videos, please visit my youtube account.. and for donations.. please deposit money to my bank account... paalam!

Monday, December 24, 2007

miss...


family pic namin.. ako yung sinasakyan ng anak ko...

kapag nasa pinas ka... yung mga maliliit na detalye hindi mo na napapansin... usually kapag pasko.. excited kang gumising... magsisimba... makikita mo mga inaanak mo... mga pamangkin mo... mga kamag-anak... yung feeling of satisfaction kapag nakikita mo sila... ngayon ko lang naramdaman yang feeling na yan.. kung kailan wala na ako sa pinas...

ang labo no... pero sometimes you have to lose something in order for you to know how important it is... kung baga ang mga sinasabi ng mga expert sa pag-ibig... "you will never realize how much you love the person until he/she is gone"...

dati di ko pinapansin ang mga holidays... birthdays.. anniversaries.. kasi mahina akong mag memorize ng dates... nagalit nga sa akin si kumander dati... kasi nailagay ko dati sa credit card application ang september 21... kala ko yun yung birthday nya... mali pala ako.. engot ko no... engineering kinuha ko mahina ako sa numbers...

nakausap ko nanay ko kahapon through web chat (o diba nanay ko 62 na pa web chat web chat pa.. sosyal!) kung dating nasa pinas ako.. naiinis ako... kasi sermon lagi ang aming conversation... but now i realize.... the words coming out of her mouth ay hindi sermon kundi pag-aalala ng nagmamahal na ina...

we tend to neglect our parents and loved ones.. kasi alam mo nanjan sila.... "eh ok lang yan... nasa kabilang kanto lang naman sya.. pwedeng pwedeng puntahan" eh paano kung malayo ka sa kanya... you never notice the small details... or worse... kung wala na sila... hihintayn mo pa bang mawala sila? magsasabi ka ng mahal mo sila kapag nasa kabaong na.. samantalang nung buhay pa eh.. galit na galit ka at inis na inis dahil hindi ka pinayagang umattend ng party...

one thing i've learn... sa tanda kong ito.... you have to say it and make them feel how much you love them.. NOW.. kasi hindi mo alam kung kailan yung mga sinasabi mo ay di na nila maririnig at mararamdaman...

this is for my mom... i hope she reads this... "mommy... alam ko madami akong pagkakamali sa mga desisyon ko sa buhay... at alam kong sawang sawa ka na sa kakasermon sa akin... thank you sa lahat ng nagawa mo para sa akin, kay nikki at kay inigo... for me... you are the best mom a guy like me could ever have.... i love you very much! alagaan mo naman yung health mo... bili ka ng bili ng taba.. tama na please... i love you and i miss you!"

for my sister... alam ko na before lagi tayong nagaaway.. nagsasakitan... pero wala yung sakit na yun.. mas masakit yung malayo ka sa akin kapatid... you inspire me to be the best that i can be.... i love you kapatid and i miss you, kuya jay and the kids... miguel and dada... mahal na mahal ko kayo.... miguel and dada.. please study hard... when i come back... we'll go to timezone.... i love you guys!


i love you mommy!

for my wife.... mommy... although we are venturing a rocky path... please hold my hand... and never let go... for i will draw strength from you and i will carry you all the way as best as i can... i love you very much.... you are everything to me.... i miss you! *kurot pisngi* taba taba na mommy ko.. ehehehehehe


pilyong pilyo.... magaling talaga akong pumili sa hospital!

for my son... alam ko anak di mo pa naiintindihan ito... you are the best gift God ever gave me... and i will strive harder and harder to give you the best life possible... wag ka ng pasaway please... i love you anak! i draw light from you... for you hold the lantern that leads me to our goals... i love you very much anak! i miss you!

for all my friends... hmm for everbody pala.... alay ko ang kanta ng eraserheads sa inyo... ang kantang "MINSAN"... we have met... became friends... have our ups and downs.... then part ways.... but all of you are in my heart.... hope all of you do to... i miss all of you.... gusto kong mag i love you kaso maraming lalaki.. baka sabihin nila.. *ehem* ingat kayo lagi... balitaan nyo naman ako! shemay!

hay naku... enough senti for one day... alam ba ninyo na mas nakakapagod ang walang ginagawa kesa sa may ginagawa? o di ba... kahapon kasi maghapon lang ako dito sa bahay... surfing lang sa internet at nood ng videos.. hay naku.. naka apat ata akong palabas kahapon.. kaya medyo duling na ako... bale ang pinanood ko... Rush Hour 3, Bourne Ultimatum, Bubble Gang ( di ko alam kung anong episode), at mga selected youtube videos... syempre updating ng multiply account ko.. kasi inaalikabok na... at naghahanap ako ng tips and tricks to improve my writing and layout.... nung gabi sumakit ulo ko... pramis... saka exhausted ako.. sobra... ganun pala.. ehehehehehe pero kumain ako chocolates... addict na ata ako.. (masisira diet ko nito!)

eto video ng anak ko nung bago pa sya mag 2 years old.. trip ko lang ilagay... sana magustuhan nyo...


cute cute!

bago ako magpaalam.. iwan ko kayo ng munting larawan... eto kasi nadadaanan namin sa pag uwi kung galing kaming palengke.... basahin nyo ha.. kay ona bahalang mag gets ng logic kung bakit sya nakakatawa... MERRY CHRISTMAS TO ALL! hayaan nyo babati rin uli ako bukas... ehehehehe... paalam!


alin.. alin.. alin ang naiba...

Friday, December 21, 2007

malamig ang simoy ng hangin...


ice leaves..

december 23 na pala... akalain mo.. di ko naiisip na may paskong parating... eh jan sa pinas.. kaliwa't kanan ang christmas party.... dito sa japan kaliwa't kanan ang paper works at trabaho... but.. who's complaining? sana nga sa 25 may pasok.. hindi sa ako'y pagano pero alam nyo yung lungkot na malayo ka sa pamilya mo... mahirap.. pero kailangan mag sacrifice....

nagising ako ngayon... 5:15 am, basta nagising lang ako... magsisimba pala kami mamaya... bakit kamo? eh di kami sigurado sa schedule ng simba sa 24 at 25 so ngayong araw na lang na to, and besides sunday ngayon... at kailangan maaga kami kasi gusto namin makaupo... sino sino kaya kami ngayong mag sisimba? hayaan nyo may roll call tayo pag nag update ako... at kung ano mga adventure na mangyayari.. kaya... ABANGAN!! ayy teka... BAKIT UMUULAN?!?!?!?! WAAAAAAHHHHHH!!!

let me tell you about yesterday.. saturday is a work day... pasok kami... as usual.. yung gising ganun pa rin pero pag alis namin ng bahay.. medyo walang tao.... sa kalsada.. konti lang tao.. sa eki.. konti lang din kaya medyo ok lang... pagdating office.. kala namin late na kami.. ehehehe sakto lang pala.. 9:00 am... walang japanese co workers.. team philippines lang ang nandun... syempre the usual round about na trabaho.. saya no...

nung natapos kami ni abel.. syempre.. "idle"... we took into liberty to study nihonggo... after one word.. napagod na kami... so ako.. na divert ko ang attention ko sa pag gawa na origami... yun yung pagtupi ng papel gamit ang mga paa to form abstract and unique figures... like the statue of liberty or the leaning tower of pisa... pero dahil ako'y baguhan lamang.. so nagtiyaga muna ako sa crane... eto ang unang origami art work ko... walang tatawa uupakan ko...


made from meiji chocolate wrapper... o di ba... halatang madami akong kinakaing chocolates...

so in celebration... picture picture kami ni abel.. kasi sya ang aking cheerer habang ginagawa ko itong obra maestra ko....


typical day at the office..

natapos ang araw... madami kaming nagawang trabaho... ewan ko ba... siguro masaya lang kami kasi malapit na ang pasko.... nung umuwi kami... dumaan kami sa kawasaki be uli para tumingin ng make up.. este gym equipment.. pero wala eh.. so we decided to go home at kumain sa kinainan namin last week... so decided na.. yung nasakyan naming densha (train) may CR.. eh konti lang naman tao.. so i decided na subukan ang CR.. wala namang mawawala.. ayy meron pala... so halika silipin ang aking CR adventure... (viewer discretion is advised)



wow.. parang kwarto!

natapos ang train ride.. nagpunta kami dun sa kainan.. at habang naglalakad.. sa bandang kaliwa ko.. may nakita akong babae... aba.. foreigner ata... so i tried my foreign accent para ma impress... "ate.. may binebenta ka bang payung?" <--- eto yung mga boses sa quiapo sa may bilihan ng DVD... nyak! si girlie pala.. kala ko may nakatabi akong foreigner.. ehehehehehe ayun kain kain.. pero di ko na pinikchuran kasi same lang din naman order ko from last week... so eto na lang pinakunan ko...

konting perfect pa at magiging japanese girl na ako.. ehehehehe


after dinner.. sabi ko kay ryan "pare papapicture ako dun sa babae.. dali.. sama ka" ako nag bayad so nung pagkabayad sabi ko.. "sumimasen, pikacha... daijoubu desu ka?" ("Excuse me, ok lang ba papcture?") aba.... nagulat sya at namula.. kitang kita namin ang redness ng face nya.. di ko alam kung natuwa sya o natakot.. kasi ang naaalala ko.. binambo ako sa ulo at hinagis papalabas ng restaurant...

eniweys.. masaya naman ang adventure... dami pa akong di nailalathala pero siguro uunti untiin ko.. i - iincorporate ko sya sa mga stories ko para kunwari wala lang.... o yung mga nagbabasa nitong blogs ko... MAGCOMMENT KAYO! kainis ni hindi ko alam kung nagugustuhan nyo ba pinaglalagay ko dito... pero may isang nag reply sa panawagan kong "WHAT IF" ...

dear ガーりsan...
medyo malaki ang prizes kapag nailathala ang iyong nobela.. pero kailangan hulaan muna ang title para manalo... so ilathala muna natin then magpapacontest ako... who ever gets the correct title ay may prize.. pero bago yun.. MAG COMMENT PA KAYO!

nagmamahal...

kapamilya....

there's no business like.. monkey business...

i was a dreamer.... i dreamed of becoming part of the "batibot" cast because ate kath's (my ate because she is a good adviser.. love you ate kath!) mom worked there and they need children with extra ordinary abilities... i was 12, sure i don't have retractable claws, shoot out web, or stop time... all i can do was imitate voices... at the time.. i can do "pong pagong", "kiko matsing", voice of young boys and girls, and voices of old folks...
in no particular order (pong pagong, kiko matsing, ate shiena... ayyy kuya bodgie pala)

i stood there... 2 gentlemen in front of me.. one sitting... one standing (sa malamang) i performed a stint... without blinking... without fear.. and they were amazed... they asked too many questions about my personal life... i gladly answered them back... they were amused... but this was it... the moment i've been waiting for... approval... but.. there was one problem... the guy sitting (who i think was the boss).. asked me one itsy bitsy detail... "marunong ka bang kumanta hijo?" and then it hit me... *slap* knees shaking.. sweat appeared almost everywhere on my body... although i knew that they will make me sing.. but singing was NOT my strongest point... "o..opo", i whispered.. "o game kanta na..", i opened my mouth... and the next thing that happened... "hmmm... tawagan ka na lang namin..."

ayan english yan.. mahirap magcompose sa english... isa sa mga pinakamemorable na rejection na natanggap ko sa tanang buhay ko.. it makes me laugh yet it makes me wonder... san na kaya ako ngayon kung nasa "batibot" ako... this is my own version of "WHAT IF..."

eto sagot ko...

my crush apeng daldal, my idol amay bisaya, and my mentor kuya germs...

nasa batibot set ako... kasama ko mga batang naglalaro... kasama ko mga idolo kong si pong pagong *apir*, si kuya bodgie *kaway kaway*, uy si kiko matsing *hawak sa saging*, si manang bola *hawak sa bola*, ang saya... sisikat ako *wari ko sa sarili*, after 2 months... nag guguesting na ako sa mga shows.... pinapakilala na ako sa mga iba pang mga sikat na artista tulad nila apeng daldal at amay bisaya.... kinausap ako ni kuya germs para sumali sa "that's entertainment", yung tuesday group.. kasi sila yung magagaling... matitigil ako ng pag-aaral... pero kukuha ako ng home study program... yayaman kami... lilipat kami ng bahay... after ilang years... sumikat ako.. kahelera ko sina judy ann... at ilang awards na rin ang napanalunan ko... kaya lang... addict ako... alak, babae, sugal... eventually maghihirap ako... walang pera at siguro ngayon... isa na ako sa ginagawan ng documentary na mga sikat na artistang nalaos... trabaho ko siguro ay nagpupulot ng basura sa kalsada.. walang direksyon...

o di ba... napaka "vivid" (graphic: evoking lifelike images within the mind; "pictorial poetry and prose"; "graphic accounts of battle"; "a lifelike portrait"; "a vivid ...) imagination.... kayo may kwentong "WHAT IF..." din ba kayo... send nyo sa akin at i popost ko dito... hindi ko sasabihing kayo yun.. katuwaan lang.. sige na.. parang awa na ninyo.. huhuhu... pwedeng tragic, pwedeng comedy, pwedeng drama... basta simulan nyo muna ng full story... then kung wala kayong what if.. ako na gagawa ng what if para sa inyo.... ayos ba? i'll do the thinking for you.... it's that easy... so ano pang hinihintay nyo... sulat na... *ilakip ang inyong proof of purchase*

pahaba ng pahaba ang intro ko ah... naku.. dami naman kasi pwedeng maging topic... kulang na lang i document ko ang lahat ng nangyayari sa akin ultimo pag gupit ko ng kuko sa paa eh ilahad ko dito at kunan ko ng picture.... ngayon... ang aking karanasan (parang prostitute ang dating).. uyy seryoso ak odun sa sinabi kong "WHAT IF" para naman may commentors participation... hirap kasi kapag utak ko lang ang gigisain ko.. maganda eh kasama kayo sa mga storya ng buhay ko... para maiba naman.. video ang ipopost ko.. wala ako dito.. pero ang galing nila eh.. pramis.. mga yoyo masters...


ang husay! sana kunin na sila ni lord...

hay naku.. yan yung nagpunta kaming akihabara.. kulang kasi ang isang entry dito sa storya na nangyayari araw araw.. di bale sana kung binabasa... eh mukhang naaaliw lang naman kayo... please naman.. mag comment kayo.. ok lang kahit negative... madali namang burahin eh.. i need your feedback guys... without you... i am nothing... yihee!! drama ko...

may sequel na pala ang brokeback mountain... ehehehehe eto yung screen shot...


touch me bebe!

wala na.. lasing na talaga ako... pero enjoy naman yan eh... siya nga pala si abel... cubiclemate ko yan... share kami lagi ng pagkain pag nagtatrabaho... sya rin ang "supplier" ko ng props... kung anong props yun.. kami na lang ang nakakaalam...

well may pasok pa kami bukas... ganun talaga.. shigoto shigoto shigoto... hay.. pero ok lang.. panlaban sa lungkot.. kaya nga nagboblog eh... pero sana naaaliw ko kayo.. hayaan nyo.. pasasayahin ko pa kayo.. basta mag iwan kayo ng comments... salamat sa inyo mga fans.... ayyy sagutin nyo yung poll question.. very informative yan... baboosh!

Wednesday, December 19, 2007

alak pah! <--- ayaw ko na!

hay buhay... before when i was a little boy... 2 years ago... sabi ko sa sarili ko... hinding hindi ako iinom... first taste ko ng beer kapag may okasyon sa bahay nila lolo at lola.. lalo na ang new year eve kasi birthday ni lolo (sumalangit nawa)... unang dampi pa lang sa labi ko at dila.. YUCK! ang pakla! ayoko! (with matching padyak sa floor) tandang tanda ko pa... *inom beer* ehehehehehe that was before.. maybe peer pressure pushed me to become one of the millions of filipino who were fascinated with drinking.... sabi ko nga sa nanay ko.. "mommy.. ano bang masarap sa beer.. eh sa nakikita ko.. ang mga umiinom mababaho tapos ang iingay.. tapos pag nalasing.. tulog...." yung mga tanong ng mga batang curious... ganyan ako noon.. iba na ako ngayon... "PARE ALAK PA!!!"

immune na ata ang katawan ko sa alak... pero mali pala ako.. mahina pa pala akong uminom.. i tasted all kinds of alcoholoc beverages.. and so far.. "GIN" pa lang naman yung pinaka ayaw ko.. ngayon.. may maidadagdag na ako sa listahan ng mga "AYAW!" kong inumin...

aba 25% pala kala ko 25 degrees..

Mark called it the "silent killer".

I call it "BAKENSTABBIN!"

2 beses pa lang ako naging wasted sa tanang buhay ko.. nung college pa ako nun.. *naaalala ko pa.. nakahiga ako sa dayami.. nakahubad.. may kayakap na kambing* pero ngayon it's a different story... i will not elaborate on what happened... maybe i will post a pic of me when the "backstabber" attacked.. but not now... i'm not physically prepared.... *deep breath* bukas na lang.. eheheheheheheheeto na lang before and after pics...









i would like to apologize and thank my friends..

Jay-R - pare... mahal na kita... salamat sa pagsahod mo ng suka ko at pagpunas ng mga nagkalat na suka ko kung saan saan...


Mark - ikaw ang aking naging sandalan, alam kong nabali likod mo sa akin.. pero dahil sa iyo.. i had a steady support.. thanks bokuchan....

Abel - salamat pre.. isa ka rin sa nag-alalay sa akin.. ikaw daw nagbitbit ng bag ko... salamat... *brokeback*

Genelyn and Jane - salamat sa kape, candy, plastic at tubig... kahit di ko na sya maalala isa kayo sa mga tumulong sa akin.. salamat...

pramis pag umalis tayo ulit at may inuman na naman... dadamihan ko na ang dala ng plastic... ehehehehehehe

ang yabang yabang ko pa.. kala ko kaya ko... but it hit me... wala.. knock out ako... it's my fault.. all was said and done... it will serve as a lesson for me and for others...

ayan intro pa lang yan... wala pa sa juicy parts... ehehehehehe nasaan na ba ako... ayun...

pahingi pa po.... mou hitotsu

ganda ko! ahahay!

masaya naman ang kinalabasan ng festival... although medyo bitin ang kainan.. mababait ng mga nagwelcome sa amin.. nahuhuli ako sa mga updates ko ah... hirap kasing mag isip *parang meron ako nun ah* kapag late ka ng umuwi... hugas ka pinggan, saing.. luto.. hugas uli.. alam nyo yun... so kaka.... please do visit my multiply account by clickick the link... dun ko ipopost yung mga other pics na wala sa blog ko.... hope you like this one... sorry kung medyo bitin...

pero....

the night before... alam ba ninyong may konting salo salo kami... wala lang.. in celebration of jane's digicam!!! eto mga pics ha...

mark, ako, mars, jay-r, abel, ryan, at si dingdong sa likod

eh puchat kaya pala ako nalasing... isipin mo... sabado umalis kami.. umuwi na medyo pagabi.. tapos nag inom ng konti *baka pagalitan ako ni misis* tapos late ng natulog tapos gising umaga para pumunta sa festival... eh kaya pala nalasing ako.... anak ng tinapay.. INUMAN ULI! the mind is able but the body is weak....

so lahat ba ng parte ng katawan mo matigas din?


dito muna ako.. sa susunod na update.. mas bubusugin ko pa kayo.. wala akong food shot ngayon.... eto na lang... Q and A portion sa isang gay beauty contest...

Host : Ms. Lakambini Churvala... this is your question... are you ready?
Lakambini : Uhuh..
Host : Here is the question... If you were to be human.. why?