masarap ba ang snow?
YES! pangarap kong makakita ng snow noong bata pa ako... ngayon nagkatotoo na ang pangarap ko kasi nagsnow na dito sa japan! YAHOO!! ang sarap ng feeling... para akong tungek... pagkakatok ni jay-r sa bintana namin nagsisisigaw... kala ko sunog.. eh nagbibihis pa lang ako kasi nga may pasok... aba.. may snow na!!! WOW!! ANG GALING! ibang iba sya compared dati na naliligo ka sa ulan sa pinas... iniinom mo yung tubig galing sa alulod ng kapitbahay kung saan kaka ebs lang ng pusa... hindi maitim na baha nakikita mo sa daan kundi puting yebe! syete.. di pa pala ako nakakabili ng damit pang-lamig... bahala na si batman... ASTIG!click to enlarge
click to enlarge
PNE!
ANG SAYA na ng laptop ko kasi ifoformat ko na sya this weekend.. tapos na yung mga dinadownload kong mga movies para bumilis bilis naman ng kaunti... kawawa naman sya... iiyak na ata tong pc ko.. di ko pa sya gaanong nalilinis... sorry ha... ano ba magandang ipangalan sa iyo? kasi mula ng nagkacomputer ako... gusto kong bigyan ng pangalan PC ko... kasi kinakausap ko minsan sila kapag yung may projects ako.. para di sila toyoin....PWEDE!
PWEDENG i-recommended na site ngayong update kong ito.... hmmm meron ba... ayy meron! a little tid bits on life here in japan.. super cool ang site nya.. medyo nga lang may konting censored pero for otaku and non-otaku's... the site of mr. danny choo...
naaalala ko pa nung time na nakikinig ako sa mga music ni "andrew e" idol ko dati yun nung grade 6 ako... lalo na yung humanap ka pa ng pangit... nagpabili pa ako sa nanay ko ng "walkman" para ma enjoy ko ang tugtugan.. at nakabisado ko sya dahil sa paulit ulit na pagkanta...
merong dalawang klaseng manyak... ang SM at talamak... ang SM = Simpleng Manyak... jan karamihan nag fafall ang mga kalalakihan.. kasama na ako dun.. pero i call it.. "Beauty Appreciation" di naman masamang tumingin sa mga magaganda at sexy na babae.. as long as na hanggang dun na lang yun.. kasalanan ba naming magaganda sila? na sexy ang mga kasuotan nila? hindi naman di ba? ang talamak naman ay ang harapang pag puri na may kasamang pagnanasang pisikal.. yung kulang na lang at tumulo ang laway habang nakatitig sa dibdib ng nasa harapang babae... WHATEVER!








