Saturday, March 22, 2008

black saturday...

in observance of black saturday... i will be praying this morning... then after that.... balik na ako sa pagsulat... FINISH!

as promised yung profiles ng mga kasama ko dito... since iilan lang naman ang nag babasa ng aking blog... pasensyahan tayo... todo na to! pero para walang samaan ng loob.. sisimulan ko.... tandaan... kwentong barbero ito ha.... walang personalan... ehehehehehe

Name : Potpot; AKA : Potah, Pot, Potski; Hobbies : Eating, Sleeping, Loitering; Trademark : "Anak ng tinapay", "Aba'y Taran..", "Ang Husay!"; Favorite Movies : "Isubo mo ang Biko", "Ang Tikoy Matigas Na", Anak.. Gising Na.. Matutulog na tayo.." Potpot ang pangalan nya dahil lagi syang nautot, may konting sayad pero mabait naman, walang alam gawin sa mundo kundi ang kumain at matulog, siya ay indemand song writer/singer sa isang gay bar sa QC. taga deliver ng dyaryo sa umaga, at nag lalako ng lumang appliances sa hapon, simple lang ang pangarap nya sa buhay, ang mabuhay. isa siyang ex-convict... nakulong ito sa salang jay walking at nasintensyahan ng isang araw ng pagkanta ng lupang hinirang. ibayong pag ingat pag nakita nyo sya kasi meron syang tendencies na manghalik lalo na kung gwapo ka! ahahay!

kakatakot pala ito... buti na lang di ko sya kilala.. mag ingat kayo ha! susunod! artista pics! ehehehehe sana nagustuhan nyo yung una kong post... so eto ang susunod!


jenny hernandez

medyo nawala sa limelife si jenny hernandez after ng kanyang MTB days pero isa ito sa mga crush ko dati kasi mabait din sya... kasalukuyang naghahanap kami ng mabibiktima.. este mapipicturan pala sa backstage.. kasama ko mga kumpare kong sina dexter (Mr. M) at si Ricky (Ricky Boy) saka ko na sila pakikilala as my blog progresses... eh nakita namin sya.. syempre.. ayos ako ng buhok.. ay wala pala akong buhok nun... then sabi ko.. "Ms. Jenny... pwede po bang pa picture?" ngumiti siya at sinabing "oo ba".. ako ang nauna.. kinakabahan pa ako... pero ok lang... aba.. akbayan ba ako.. feeling close sya ha! hello! pero ok sya... ang nakakatawa kasi dito.. kaming dalawa ni ricky boy ay inakbayan nya.. si mr. m hindi... sabi namin... "pare.. natunugan atang manyak ka!" eheheheheheh and that is the story!

last week.. may pinapanood sa amin si Jane sa you ube, sikat daw itong si Ken Lee... kala ko naman pinoy kasi nga parang chinese name eh.. pero sige search.. play.... at eto yun... IDOL! with 2 million hits sa youtube... KAKAIBA!

ken lee... tulibu dibu douchoo!


tsalap!

hanggang ngayon.. di pa rin ako nakakapag adjust sa climate.. nangangatog pa rin ako at ang masama.. pinapasma na ako! grabe ang hirap pala ng pasmado.. auto lotion ang dating... pero da best ang pagkain talaga dito sa japan.. di ko na nga napapansin ang presyo pag kumakain ako kasi alam ko namang masarap sya.. kaya nga kain kami ng kain.. ehehehehe


ibalik mo hyaku ko! P@#$@#!??!

minsan darating sa buhay mo na kailangan ilabas mo galit mo sa buhay.. kung hindi maiipon ito at siguradong ikamamatay mo balang araw.. kaya ako... nilalabas ko agad galit ko! ang saya eh!

hanggang sa muli! paalam mga bata! (kiko matsing voice)

Thursday, March 20, 2008

paalam na....


matsuzawa-san... sakauchi-san... sugoi!

o hindi ako nagpapaalam ha... nalulungkot lang kami at aalis na ang dalawa sa mababait na japanese friends namin... si sakauchi-san at si matsuzawa-san... parang kailan lang... pero ganun talaga ang buhay... darating... lilisan..... kakalungkot...

pero in fairness... magaganda ang mga boses nila... ewan ko ba.. pinakanta namin yung dalawa at yung dalawang boss namin... si munakata-san at si endo-san.... akalain mong magaganda lahat boses nila.... parang may training talaga sila sa pagkanta... eto yung sample ha...

o diva!

we will miss them.... on with the show... today, the japanese are celebrating the "spring equinox", eto daw you phenomena na ang sun ay naka position sa equator.... kung gusto nyo pang malaman... i-wiki nyo..

sa pinas naman... "maundy thursday"... eto yung selebrasyon ng mga katoliko ng mahal na araw... namimiss ko na nga ang mga pasyon at senakulo tuwing mahal na araw... hay ang saya...

naalala ko kanina nung naliligo ako... nung maliit pa ako.. mahilig akong makiligo sa mga lolo at lola ko sa tondo... kasi dati.... masarap magswimming... hindi dahil may swimming pool sila... sa banyo kasi nila... may malaking tangke ng tubig.... hindi kasi uso ang mga orocan na malalaki noon, kaya ang lolo ko *lolo kunat ang tawag namin sa kanya.. kasi nga sobrang kunat nya... sumalangit nawa* gumawa sya ng parang semento... parang kural ng baboy pero lagayan ng tubig... kasya dalawang bata... kaya doon kami naliligo... ang saya! ngayon kasi.. may bath tub kasi kami dito sa apartment namin... syempre dahil taga bundok ako, ginagamit ko yun.. sosyal di ba...

isasama ko na dito sa blog ko yung mga pictures ko nung nasa dos pa ako... mga pictures ng mga artista at description kung paano ko napicturan na kasama ako... syempre sisimulan ko sa paborito ko sa lahat.... walang iba kundi si...


my love... cindy kurleto..

this was taken nung uso pa ang MTB (Magandang Tanghali Bayan) isa siya sa mga host at sa labas sila nag live... eh kakapasok ko pa lang ng office... eh nakita ko sya pabalik na ng dressing room... dahil super crush ko sya... kinapalan ko mukha ko... sabi ko.. "Excuse me Ms. Cindy... can I take a picture with you?" WOW diretso english ko... then narinig ko ang mga matatamis nyang sagot.. "Sure!" then ni-set ko na yung 6600 ko (uso kasi yan noon), then nung kukunan ko na sabi nya "I'm terribly sorry... I just had lunch and I'm afraid my breath smells bad.." WOW NAMAN! muntik na akong matunaw... sagot ko... "It's ok" with matching smile yun... then pwesto! pero nagulat ako.... nilapit nya ang mukha niya sa akin.. di lang nilapit... yung kamay niya hinawakan ang mukha ko para idikit sa mukha nya! O DI BA! di ko makalimutan yan... abot hanggang tenga ngiti ko.. then bago pa ako makapag salita.. sabi nya... "Thank you!" wow naman! nangatog talaga ako.. pramis... di ko akalain... hay... sabay sabi ko naman.. "mmm will it be ok for another picture?" aba sumagot naman sya "SURE!" na may pag taas ng boses! hay grabe mahal ko na sya... ayan ang evidence o.. ehehehehehe

next update ko rin ay ipopost ko ang profiles ng mga kasama ko dito sa apartment.. dahil gusto daw nilang sumikat.. sabi ko.. "HELLOOOOO! DI NAMAN SIKAT BLOG KO AH?!?!" eh gusto pa rin nila kaya pasensyahan na ha... ehehehehe dahil kwentong barbero ito... madami akong maisusulat tungkol sa inyo... ABANGAN!

bago ako magpaalam... tanong ko lang sa inyo... napanood nyo ba yung "ring"? eto yung kay sadako na japanese version... well... kala ko lalabas sya sa laptop ko.. kakapanood ko ng movies... kung gusto nyong makita ang nakita ko... click nyo ito... not for the weak of heart... baka magulat kayo....

Monday, March 17, 2008

oo na mahal ko na....


i would like to thank the academy...

yesterday nagpunta kami sa victory party ni ms. Ria Reyes... nanalo kasi syang 1st runner up sa isang beauty contest and most of the special awards sya ang nakakuha... medyo malayo yung place naligaw kami at mahigit kulang kulang na 3 hours ang byahe... sa may asakusabashi station... naka 3 lipat ata kami ng train... pero worth it naman kasi naka meet kami ng mababait na mga pinoy... here she is walking and a picture with her bf (ANG GWAPO!)...


papa ko na sya! ahahay!

ang gwapo ni papa!


ayun sya o! si Burns...

may konting kainan then nagpaalam na kami... tapos pinakilala kami ni ms. Ria kay Burns... hindi sya taga "Simpsons" ha... at babae sya... yung unang tingin nga daw ni jay-r, mukhang bata pa... at akala namin anak ng hapon... hindi pala.. classmate pala ni ms. Ria way back nung nasa pinas pa sya.. at gifted sya.... super gifted... matalino... kalog... mahal ko na nga sya eh.. ehehehehe pero ok sya... sasama nga daw one of these days sa gimik ni ms. Ria... sana sumama sya kaya lang nag-aaral sya eh... grabe.. bookish.... =)


o babe.. isang halik mo lang...

hay naku.. dahil sa kakapanood ko ng mga japanese drama at movies... may crush akong bago... hindi ko alam kung nabanggit ko na sya pero ang name nya ay Mao Inoue... super cute sya... napanood ko sya sa "Hana Yori Dango" eto talaga yung version ng Japanese sa "Meteor Garden" pero iba ang cuteness level nya.. scale of 1-10... 9 sya para sa akin... ewan ko ha.. sa akin lang naman... eto yung video nya...

ventriloquism..

may isa pa akong crush... last saturday.. nanood ako ng korean movie "100 days with Mr. Arrogant" ang bida dito familiar.. pero cute sya kasi ang chubby ng cheeks nya.. tapos nung nabasa ko profile nya.. sya yung bida sa "Memories of Bali" at sya ang bida sa "Hwang Jini" mahal ko na rin sya... Ha Ji-Won... hay... bumabalik na naman ako sa pagkabata... eh malapit na akong mawala sa kalendaryo... crush ko lang naman eh... di ba.. wala namang masama doon? wala nga ba??


mahal ko na sya!

hanggang dito na muna... manonood pa ako ng korean at japanese movies... adik na talaga ako... paalam...

Sunday, March 16, 2008

a new day....

sunday... a day of reflection... a day of nothing but pure madness... i am having my usual headaches and to kill time, i cleaned the the back area of the apartment because the crow likes digging trash.


i was surfing the net, and i stumble upon a video with a very familiar face... she was one of my favorites before when i was watching "Star Circle Quest".. master krung krung herself... Sandara Park... the transition was, i think, very good for her... maturity is part of life....


ang ganda ko.. feel na feel ng long hair ko!


Gummy - I'm Sorry

badtrip anf umaga ko ngayon.. di ko alam kung bakit... misis ko alam na siguro kung bakit... siya lagi sinasabihan ko ng mga hinaing ko sa buhay... saka mga piling kaibigan dito sa japan.... siyanga pala... di ko na ipupursue ang kumita ng pera sa internet... mahirap eh.. wala akong makitang magandang pagkakitaan.... pag balik ko na ang ng pinas.. dun ako magcoconcentrate sa negosyo... sa ngayon madami na akong naka line up na negosyo... di ko muna ipopost... saka na... bili kayo ha!

update nga pala sa kalagayan ng paa ko... ok na siya.. minsan sumasakit lang sya pero nakakalakad na ako ng normal... minsan nga lang dalawa height ko... isang 5'6 at 5'7 kasi pag tinungkod ko yung left foot ko.. 5'6, pag right naman 5'7... corny ko no....

next time uli.. please leave your comments and suggestions... thanks! sayonara!