Friday, December 21, 2007

malamig ang simoy ng hangin...


ice leaves..

december 23 na pala... akalain mo.. di ko naiisip na may paskong parating... eh jan sa pinas.. kaliwa't kanan ang christmas party.... dito sa japan kaliwa't kanan ang paper works at trabaho... but.. who's complaining? sana nga sa 25 may pasok.. hindi sa ako'y pagano pero alam nyo yung lungkot na malayo ka sa pamilya mo... mahirap.. pero kailangan mag sacrifice....

nagising ako ngayon... 5:15 am, basta nagising lang ako... magsisimba pala kami mamaya... bakit kamo? eh di kami sigurado sa schedule ng simba sa 24 at 25 so ngayong araw na lang na to, and besides sunday ngayon... at kailangan maaga kami kasi gusto namin makaupo... sino sino kaya kami ngayong mag sisimba? hayaan nyo may roll call tayo pag nag update ako... at kung ano mga adventure na mangyayari.. kaya... ABANGAN!! ayy teka... BAKIT UMUULAN?!?!?!?! WAAAAAAHHHHHH!!!

let me tell you about yesterday.. saturday is a work day... pasok kami... as usual.. yung gising ganun pa rin pero pag alis namin ng bahay.. medyo walang tao.... sa kalsada.. konti lang tao.. sa eki.. konti lang din kaya medyo ok lang... pagdating office.. kala namin late na kami.. ehehehe sakto lang pala.. 9:00 am... walang japanese co workers.. team philippines lang ang nandun... syempre the usual round about na trabaho.. saya no...

nung natapos kami ni abel.. syempre.. "idle"... we took into liberty to study nihonggo... after one word.. napagod na kami... so ako.. na divert ko ang attention ko sa pag gawa na origami... yun yung pagtupi ng papel gamit ang mga paa to form abstract and unique figures... like the statue of liberty or the leaning tower of pisa... pero dahil ako'y baguhan lamang.. so nagtiyaga muna ako sa crane... eto ang unang origami art work ko... walang tatawa uupakan ko...


made from meiji chocolate wrapper... o di ba... halatang madami akong kinakaing chocolates...

so in celebration... picture picture kami ni abel.. kasi sya ang aking cheerer habang ginagawa ko itong obra maestra ko....


typical day at the office..

natapos ang araw... madami kaming nagawang trabaho... ewan ko ba... siguro masaya lang kami kasi malapit na ang pasko.... nung umuwi kami... dumaan kami sa kawasaki be uli para tumingin ng make up.. este gym equipment.. pero wala eh.. so we decided to go home at kumain sa kinainan namin last week... so decided na.. yung nasakyan naming densha (train) may CR.. eh konti lang naman tao.. so i decided na subukan ang CR.. wala namang mawawala.. ayy meron pala... so halika silipin ang aking CR adventure... (viewer discretion is advised)



wow.. parang kwarto!

natapos ang train ride.. nagpunta kami dun sa kainan.. at habang naglalakad.. sa bandang kaliwa ko.. may nakita akong babae... aba.. foreigner ata... so i tried my foreign accent para ma impress... "ate.. may binebenta ka bang payung?" <--- eto yung mga boses sa quiapo sa may bilihan ng DVD... nyak! si girlie pala.. kala ko may nakatabi akong foreigner.. ehehehehehe ayun kain kain.. pero di ko na pinikchuran kasi same lang din naman order ko from last week... so eto na lang pinakunan ko...

konting perfect pa at magiging japanese girl na ako.. ehehehehe


after dinner.. sabi ko kay ryan "pare papapicture ako dun sa babae.. dali.. sama ka" ako nag bayad so nung pagkabayad sabi ko.. "sumimasen, pikacha... daijoubu desu ka?" ("Excuse me, ok lang ba papcture?") aba.... nagulat sya at namula.. kitang kita namin ang redness ng face nya.. di ko alam kung natuwa sya o natakot.. kasi ang naaalala ko.. binambo ako sa ulo at hinagis papalabas ng restaurant...

eniweys.. masaya naman ang adventure... dami pa akong di nailalathala pero siguro uunti untiin ko.. i - iincorporate ko sya sa mga stories ko para kunwari wala lang.... o yung mga nagbabasa nitong blogs ko... MAGCOMMENT KAYO! kainis ni hindi ko alam kung nagugustuhan nyo ba pinaglalagay ko dito... pero may isang nag reply sa panawagan kong "WHAT IF" ...

dear ガーりsan...
medyo malaki ang prizes kapag nailathala ang iyong nobela.. pero kailangan hulaan muna ang title para manalo... so ilathala muna natin then magpapacontest ako... who ever gets the correct title ay may prize.. pero bago yun.. MAG COMMENT PA KAYO!

nagmamahal...

kapamilya....

there's no business like.. monkey business...

i was a dreamer.... i dreamed of becoming part of the "batibot" cast because ate kath's (my ate because she is a good adviser.. love you ate kath!) mom worked there and they need children with extra ordinary abilities... i was 12, sure i don't have retractable claws, shoot out web, or stop time... all i can do was imitate voices... at the time.. i can do "pong pagong", "kiko matsing", voice of young boys and girls, and voices of old folks...
in no particular order (pong pagong, kiko matsing, ate shiena... ayyy kuya bodgie pala)

i stood there... 2 gentlemen in front of me.. one sitting... one standing (sa malamang) i performed a stint... without blinking... without fear.. and they were amazed... they asked too many questions about my personal life... i gladly answered them back... they were amused... but this was it... the moment i've been waiting for... approval... but.. there was one problem... the guy sitting (who i think was the boss).. asked me one itsy bitsy detail... "marunong ka bang kumanta hijo?" and then it hit me... *slap* knees shaking.. sweat appeared almost everywhere on my body... although i knew that they will make me sing.. but singing was NOT my strongest point... "o..opo", i whispered.. "o game kanta na..", i opened my mouth... and the next thing that happened... "hmmm... tawagan ka na lang namin..."

ayan english yan.. mahirap magcompose sa english... isa sa mga pinakamemorable na rejection na natanggap ko sa tanang buhay ko.. it makes me laugh yet it makes me wonder... san na kaya ako ngayon kung nasa "batibot" ako... this is my own version of "WHAT IF..."

eto sagot ko...

my crush apeng daldal, my idol amay bisaya, and my mentor kuya germs...

nasa batibot set ako... kasama ko mga batang naglalaro... kasama ko mga idolo kong si pong pagong *apir*, si kuya bodgie *kaway kaway*, uy si kiko matsing *hawak sa saging*, si manang bola *hawak sa bola*, ang saya... sisikat ako *wari ko sa sarili*, after 2 months... nag guguesting na ako sa mga shows.... pinapakilala na ako sa mga iba pang mga sikat na artista tulad nila apeng daldal at amay bisaya.... kinausap ako ni kuya germs para sumali sa "that's entertainment", yung tuesday group.. kasi sila yung magagaling... matitigil ako ng pag-aaral... pero kukuha ako ng home study program... yayaman kami... lilipat kami ng bahay... after ilang years... sumikat ako.. kahelera ko sina judy ann... at ilang awards na rin ang napanalunan ko... kaya lang... addict ako... alak, babae, sugal... eventually maghihirap ako... walang pera at siguro ngayon... isa na ako sa ginagawan ng documentary na mga sikat na artistang nalaos... trabaho ko siguro ay nagpupulot ng basura sa kalsada.. walang direksyon...

o di ba... napaka "vivid" (graphic: evoking lifelike images within the mind; "pictorial poetry and prose"; "graphic accounts of battle"; "a lifelike portrait"; "a vivid ...) imagination.... kayo may kwentong "WHAT IF..." din ba kayo... send nyo sa akin at i popost ko dito... hindi ko sasabihing kayo yun.. katuwaan lang.. sige na.. parang awa na ninyo.. huhuhu... pwedeng tragic, pwedeng comedy, pwedeng drama... basta simulan nyo muna ng full story... then kung wala kayong what if.. ako na gagawa ng what if para sa inyo.... ayos ba? i'll do the thinking for you.... it's that easy... so ano pang hinihintay nyo... sulat na... *ilakip ang inyong proof of purchase*

pahaba ng pahaba ang intro ko ah... naku.. dami naman kasi pwedeng maging topic... kulang na lang i document ko ang lahat ng nangyayari sa akin ultimo pag gupit ko ng kuko sa paa eh ilahad ko dito at kunan ko ng picture.... ngayon... ang aking karanasan (parang prostitute ang dating).. uyy seryoso ak odun sa sinabi kong "WHAT IF" para naman may commentors participation... hirap kasi kapag utak ko lang ang gigisain ko.. maganda eh kasama kayo sa mga storya ng buhay ko... para maiba naman.. video ang ipopost ko.. wala ako dito.. pero ang galing nila eh.. pramis.. mga yoyo masters...


ang husay! sana kunin na sila ni lord...

hay naku.. yan yung nagpunta kaming akihabara.. kulang kasi ang isang entry dito sa storya na nangyayari araw araw.. di bale sana kung binabasa... eh mukhang naaaliw lang naman kayo... please naman.. mag comment kayo.. ok lang kahit negative... madali namang burahin eh.. i need your feedback guys... without you... i am nothing... yihee!! drama ko...

may sequel na pala ang brokeback mountain... ehehehehe eto yung screen shot...


touch me bebe!

wala na.. lasing na talaga ako... pero enjoy naman yan eh... siya nga pala si abel... cubiclemate ko yan... share kami lagi ng pagkain pag nagtatrabaho... sya rin ang "supplier" ko ng props... kung anong props yun.. kami na lang ang nakakaalam...

well may pasok pa kami bukas... ganun talaga.. shigoto shigoto shigoto... hay.. pero ok lang.. panlaban sa lungkot.. kaya nga nagboblog eh... pero sana naaaliw ko kayo.. hayaan nyo.. pasasayahin ko pa kayo.. basta mag iwan kayo ng comments... salamat sa inyo mga fans.... ayyy sagutin nyo yung poll question.. very informative yan... baboosh!

Wednesday, December 19, 2007

alak pah! <--- ayaw ko na!

hay buhay... before when i was a little boy... 2 years ago... sabi ko sa sarili ko... hinding hindi ako iinom... first taste ko ng beer kapag may okasyon sa bahay nila lolo at lola.. lalo na ang new year eve kasi birthday ni lolo (sumalangit nawa)... unang dampi pa lang sa labi ko at dila.. YUCK! ang pakla! ayoko! (with matching padyak sa floor) tandang tanda ko pa... *inom beer* ehehehehehe that was before.. maybe peer pressure pushed me to become one of the millions of filipino who were fascinated with drinking.... sabi ko nga sa nanay ko.. "mommy.. ano bang masarap sa beer.. eh sa nakikita ko.. ang mga umiinom mababaho tapos ang iingay.. tapos pag nalasing.. tulog...." yung mga tanong ng mga batang curious... ganyan ako noon.. iba na ako ngayon... "PARE ALAK PA!!!"

immune na ata ang katawan ko sa alak... pero mali pala ako.. mahina pa pala akong uminom.. i tasted all kinds of alcoholoc beverages.. and so far.. "GIN" pa lang naman yung pinaka ayaw ko.. ngayon.. may maidadagdag na ako sa listahan ng mga "AYAW!" kong inumin...

aba 25% pala kala ko 25 degrees..

Mark called it the "silent killer".

I call it "BAKENSTABBIN!"

2 beses pa lang ako naging wasted sa tanang buhay ko.. nung college pa ako nun.. *naaalala ko pa.. nakahiga ako sa dayami.. nakahubad.. may kayakap na kambing* pero ngayon it's a different story... i will not elaborate on what happened... maybe i will post a pic of me when the "backstabber" attacked.. but not now... i'm not physically prepared.... *deep breath* bukas na lang.. eheheheheheheheeto na lang before and after pics...









i would like to apologize and thank my friends..

Jay-R - pare... mahal na kita... salamat sa pagsahod mo ng suka ko at pagpunas ng mga nagkalat na suka ko kung saan saan...


Mark - ikaw ang aking naging sandalan, alam kong nabali likod mo sa akin.. pero dahil sa iyo.. i had a steady support.. thanks bokuchan....

Abel - salamat pre.. isa ka rin sa nag-alalay sa akin.. ikaw daw nagbitbit ng bag ko... salamat... *brokeback*

Genelyn and Jane - salamat sa kape, candy, plastic at tubig... kahit di ko na sya maalala isa kayo sa mga tumulong sa akin.. salamat...

pramis pag umalis tayo ulit at may inuman na naman... dadamihan ko na ang dala ng plastic... ehehehehehehe

ang yabang yabang ko pa.. kala ko kaya ko... but it hit me... wala.. knock out ako... it's my fault.. all was said and done... it will serve as a lesson for me and for others...

ayan intro pa lang yan... wala pa sa juicy parts... ehehehehehe nasaan na ba ako... ayun...

pahingi pa po.... mou hitotsu

ganda ko! ahahay!

masaya naman ang kinalabasan ng festival... although medyo bitin ang kainan.. mababait ng mga nagwelcome sa amin.. nahuhuli ako sa mga updates ko ah... hirap kasing mag isip *parang meron ako nun ah* kapag late ka ng umuwi... hugas ka pinggan, saing.. luto.. hugas uli.. alam nyo yun... so kaka.... please do visit my multiply account by clickick the link... dun ko ipopost yung mga other pics na wala sa blog ko.... hope you like this one... sorry kung medyo bitin...

pero....

the night before... alam ba ninyong may konting salo salo kami... wala lang.. in celebration of jane's digicam!!! eto mga pics ha...

mark, ako, mars, jay-r, abel, ryan, at si dingdong sa likod

eh puchat kaya pala ako nalasing... isipin mo... sabado umalis kami.. umuwi na medyo pagabi.. tapos nag inom ng konti *baka pagalitan ako ni misis* tapos late ng natulog tapos gising umaga para pumunta sa festival... eh kaya pala nalasing ako.... anak ng tinapay.. INUMAN ULI! the mind is able but the body is weak....

so lahat ba ng parte ng katawan mo matigas din?


dito muna ako.. sa susunod na update.. mas bubusugin ko pa kayo.. wala akong food shot ngayon.... eto na lang... Q and A portion sa isang gay beauty contest...

Host : Ms. Lakambini Churvala... this is your question... are you ready?
Lakambini : Uhuh..
Host : Here is the question... If you were to be human.. why?

Tuesday, December 18, 2007

akihabara.. *nyaw*

~pagmulat ng mata, diretso sa kubeta't mag... batibot...

pag gising pa lang medyo tanghali na... walang pasok... parang bata na nakikinig ng radyo sa AM tuner para malaman kung may pasok o wala... 7 ng umaga.... bangon... tingin sa relo... higa uli.... 7:30 bangon... kamot sa.... higa uli.... 7:45.. kailangan ng bumangon... sulat ng blog... ayun.. ligo.... kaskas libag... wow sarap... poopoo... ligo uli... lagay lotion.. suklay buhok... lagay deo... bihis.... kain... doorbell.. si ryan.. pasok.... doorbell.. si jane.... pasok..... toothbrush.. alis...

sarap maglakad sa umaga... yan ang di ko nagagawa sa pinas... paano ba naman... di ka lang mamamatay sa init... langhap mo lahat usok ng metro manila.... hay naku...

itay bili mo ko isa nito!

first time naming makasakay sa harapan ng eki.. kaya picture picture... sana nga lang di bawal tong pinag gagawa namin.... si jane kasi eh... tapos nagtataka ako.. kada 30 seconds ata... yung mamang driver tumuturo... parang "that's my boy" ewan ko kung nagpapacute lang siya pero di ko gets...
ayan o turo sya dun turo sya jan... di ko naman alam kung ano tinuturo nya.. baka gusto nyang manuno.. ehehehe pero enjoy... galing ng transport system nila.. mabilis, safe at bagay sa mga nag susuicide... joke lang....


pagbaba pa lang ng eki (tren) eh diretso kami sa bandang kaliwa (wow labo diretso tapos kaliwa) tapos umakyat kami sa yamada.. dito sinilip lang namin kung ano pwedeng mabili.. pero di kami bumili... eto yung pagkakataong mangolekta ng mga flyers na di naman magagamit kundi pampabigat lang ng bag..... naakyat namin hanggang 5th floor sabay baba ng basement at nandun nang mga digicam... WOW... nakita ko ang dream cam ko na Nikon D40X... bibili ako nito pramis.. next year... gaganda mga pics ko... <- ang landi... syempre kuha flyers... tapos sabay alis.... goal namin is makabili si jane ng digicam, sony yung 12.1 megapixels ba? basta yun yun.. kaso mahal at mahirap tumawad.. waribiki (discount)... makakabili na sana sya kaso walang stock at ang ibinibigay yung display... ayy wag na.. losyang na yun no... so libot pa kami... hanggang wala na talagang pag asa.. pero hindi... may hope pa... yung second choice nyang cam... na di ko alam kung anong model.. ay sinales talk kami... ang husay.. maski ako bibili na sa galing nyang mangumbinsi.. pero ok naman talaga ang specs nya.... made in japan tapos english pa.. 4gig memory 3x optical zoom.. 4 colors to choose from... reminds me of chinese businessmen in the philippines.. ika nga.. kulang na lang ibenta sariling pustiso at arinola... nagutom kami... syempre kain muna... di ko na nga mapigilan sarili ko... pati stante gusto ko ng patusin...
kasya siguro to...

eto inorder ko... panalo!

balik kami dun sa unang pinuntahan namin yung sa may out of stock kasi matatawaran pa namin... kaya ayun... besides that... bumili na rin ako ng sony walkman... ayos! now.. saan ang punta... syempre saan pa... sa divisoria este "UENO" pala....

~ibon mang may layang lumipad...

ayy grabe... dalawang sapatos nabili ko... di lang yan nakabili pa ako ng pabango.. "BULGARI" <-- tama ba spelling ko? grabe kapagod... medyo yung trip ngayon ay fruitful pero bukas meron pa ako kwento... the aftermath...

here's my last two pics for today... my loving and super gwapo son na pinili ko pa sa hospital... dahil napalitan.... at isa sa mga pinagpapantasyahan kong lalaki.. este idolo pala.. si kenshin...
anak nagiging hapon ka na din ah... gwapo! (yun yung anak ko sa kaliwa)

manash ahitan kita gusto mo?