Saturday, December 15, 2007

umagang kay ganda.... (weewee muna)

MAGANDANG UMAGA!!! <-- isang pagbati na kung ating hihimay himayin ay napakagandang pakinggan... isa sa mga pagbati ng mga Pinoy (o kahit sino pa man) na tunay na magpapaganda ng umaga... dati nung ako'y alipin pa lamang sa dati kong trabaho.... gawain namin ng aking mga katoto na pag nagawi sa bandang mendiola (lugar kung saan nagtitipon ang mga raliyista at kung saan libre ang pagpapaligo sa kanila ng mga bumbero, bring your own sabon nga lang), mapapansin na nandun ang isang paaralan... kolehiyo.. na napakadaming naggwagwapuhan... ehem... naggagandahang dilag.... nung minsan bumati kami ng "magandang umaga" kumaripas ng takbo ang loka... sabagay di ko sya masisisi... makakita ka na tulad kong dambuhala at yung mga kasama kong walang ligo sa umaga eh talagang di ka na magdadalawang isip na umiwas... pero puna ko lang... ang pagbigkas ng mga katagang ito ay hindi lang dapat galig sa ilong... dapat ito ay sinasamahan ng ngiti at ibayong pagbigkas ng maparating mo sa iyong mga tagapakinig na ikaw ay buhay at handang humarap sa nakatagdang tungkulin.. *bow* Host : Thank you very much Ms. Talipapa for that speech.... and now on with the show... --------- Ang haba nung intro ko no... ewan ko ba.. tinoyo na naman ako.. dapat kagabi pa ako magsusulat eh tinamad na naman ako... eniweys.... nandito na naman ako upang bigyan kayo ng makabuluhang storya... pero bago ang lahat pasasalamatan ko muna ang isa sa mga kasamahan ko ditong si bokuchan... maku... thanks sa comment.... nalito ako kung sino ka dun sa dalawa... kasi... different eh.... i felt a certain something... eheheheh joke lang... tiis na lang... maaayos na natin ang iyong PSP nyo ni gen..... bwahahahahahahahahaha thank you very much... kahit sinaktan mo ang best friend kong si... WHAT?!?!?! NAKAKAALIW KA!! keep it up... you have a long road ahead of you... and usually... roads have different paths... be careful which one you take for it will lead you to success or failure... o dahil ikaw ang unang nagcomment (at mukhang ikaw lang talaga ang mag cocomment) ikaw ang aking feature blog reader! (for the rest of time..)

my favorite maku pic.... listening ON AIR ninenok ko sa friendster nya...

sana yung mga magcocomment kakilala ko para magawan ko ng ganito.. ehehehehehehe thanks again maku!

yesterday... ok naman ang work... pero nag-iiba trip ko sa buhay... gawa ba ito ng katandaan o talagang matanda na ako? pauwi kami kahapon.. dumaan kaming "KAWASAKI BE" mall ata ito.. ewan ko ba... tapos nakakita kami ng stuffed toys.... ewan ko.. para akong si tukmol.. nilabas yung digicam ko at nagkukuha.. kabadingan ko talaga.. eto yun

may disney store dun, at sale sila!! ahahay! *budget budget*

di pa ako nakuntento jan... eto pa...


wag po nyong kong kainin sir!

gusto ko na syang bilhin... buti na lang napigilan ko ang aking sarili..... kaya picture pictue na lang.... at eto po... may nakita akong malaking pussy cat... napakalaki!!!! grabe!!! sabi nga nung sales lady bawal daw kunan pero kinunan pa rin namin.. hawak hawak ko pa... eto o... *readers discretion is advised*

here kitty kitty kitty...

mura lang tong hello kitty na to.. mga kulang kulang na 30000 yen.. o di ba.. mura! mapapamura ka sa mahal! syet!

after the photo shoot nagpasya na kaming umuwi.. sakay ng train.. and my God.... the smell of alcohol lingers... i don't get it... kahit weeekdays umiinom sila... sabi sa akin ni girlie... yun yung kanilang unwind stage... eh grabe naman may pasok kinabukasn iinom sila... hello?!?! hay naku.. reminds me of the kapitbahays in our place... tuwing 9am... medyo malapit sa tapat ng bahay namin.. may nagiinuman... and wow.. they have the time and money to spend for their alcohol while their children are wondering around the streets earning money for them to use.... it sickens me... mag-aanak anak di naman kayang suportahan ang pamilya.... then they will say.... "masarap eh", o kaya "eh ano magagawa ko nanjan na yan" kulang sa ating mga pinoy ay education regarding the matter... let's be responsible enough... gamitin nyo utak nyo sa taas wag yung utak nyo sa baba.... you have urges.... tawagin mo si "maria"... that's it.....

hay ayan nailabas ko na kajudingan ko.. end ko lang ang aking words sa kinain namin kagabi... ANG SARAP! mura pa!
di ko alam tawag pero grabe nabusog ako...

hay.. kailangan ko ng mag-ayos.... later sana ma update ko uli itong blog ko... at sana pagbalik ko madaming nakapag comment na! eheheheheheh eto ang last pic ko, isa sa mga favorite shots ko..... enjoy guys and thank you for your time! baboosh!
ire pa!! kaya ko to!!! *pfffft*


Tuesday, December 11, 2007

the adventure continues... part 2 (redundant)

being here does not mean i'm here.... *anonymous*

hay salamat nakauwi na ako uli... parang normal ng makauwi ng 11 ng gabi from work then gising uli ng 5:00am tapos alis ng 7:40am tapos dating office ng 8:45am tapos punta ng cr ng 8:50 tapos makakabalik sa desk ng 8:58am (matagal mag retouch no) tapos start ng mag work ng 9:00am tapos lunch time ng 12:00noon tapos balik desk ng 1:00pm... teka.. nakakahalata na ako na nonsense na ito ah... pwe.... well eto na nga yung continuation... syete...

well eto madami kasi dapat akong nailathala this week kasi madaming adventures kaso nasimulan ko ng sunday kaya siguro recap na lang kada blog ko para naman di biglaan di ba... so where was i... ayun... ahh may nadaan pala kami last sunday na parang small eatery.. mukhang masarap naman pero ang nakatawag pansin sa amin ay ang slogan nya...

o di ba sarap! let's have a snuck!


hay naku... at nung last saturday... nadaan kami ng "UENO" ito yung parang divisoria dito sa Japan... yun ang sabi nila... pagbaba pa lang namin ng station... eto na nakita ko....

laki panda burr! (jyaianto panda)

well syempre... di ko pwedeng isilid sa bag ko.... obviously... nakakandado yung stante eh... sayang.... well back to pasyal pasyal sa Ueno... eh tom jones na kami.. kaya grab a bite to eat muna..... eh kaso napadaan sa "HARD ROCK CAFE" .. teka di kami jan kumain... picture lang saka bili ng items.. alam mo na... ano kami sira... di pa kami ganoon kayaman no... excuse me...

pose pose lang.... ehehehehe di ako makapasok.. bawal daw stambay eh...


so after shopping (ng keychain na mura), hanap kami ng kainan... ang dami... daming mahal na restaurant... pero eto medyo mura.. pwede na tong kinainan namin.. pero may kulang eh... walang toyo...

mini katsudon meal w/ soba (yun ang sabi nung japanese eh) at yung parang achara nila... yung papel yun yung ticket pambili.. kasi di vendo dito.. astig nga eh... walang chance makapagnenok ng pera ang taga serve ng food...

hay naku.. dami akong adventure pero walang pic.. kaya nga lagi ko ng dala camera ko... para kuha agad... capture the moment kung baga... sa weekend na ako mag update.. not unless may mangyayari na di ko sinasadya.. ehehehehe balak kong mag photography lesson.. saya din pala mag take ng shots... wala lang.. ehehehehehe i'll leave with a shot na trip na trip ko.. pangit nga lang yung background.. isipin nyo na lang... nasa small world sila sa sala nyo.. eheheheh enjoy and thanks for viewing!
"inagaw mo ang fafa ko!"
"mahaba kasi hair ko gaga"




Sunday, December 9, 2007

hello everybody...

what a tiring yet fruitful day... i bought groceries and other items for the house... medyo nabawasan ang pera pero it's for the best...

dami naming napuntahan ngayon.. after going to church (na as usual late na naman kami) we went to "KANNAI" to check kung may tianggian dun.. bago pa lang kami nakarating dun... dumaan muna kami ng "CHINATOWN" o di ba kahit saan may Chinatown... nanawa ako sa mga singkit.. ehehehe, may japanese na, may chinese pa.. at take note... may tour pa ang mga koreans dun... san ka pa...

the famous hopia.... kahit saan hopia pa rin...


enter the dragon... inay...

pagkatapos naming manguha ng free samples ng castanas.... bumalik na kami sa original plan na pumunta ng kannai... pero sa kasamaang palad.. walang tiangge... so instead we went to a Filipino Store (na kung saan ang nagbebenta ay indian o hapon..) bumili akong dalawang maling #2, dalawang purefoods corned beef.... at ang pinakapaborito (sana di mabasa ng asawa ko to) ang "KNORR SEASONING".... pero eto yung mga nakaagaw pansin sa akin...


wow... sino si sarsh geronimo?


wow sikat.. kristine heramosa... gagawa lang ng pirata di pa ayusin..


eniweys masaya naman kaming umalis dun.. eh kasi kumalam ang tiyan namin... balak namin sa mcdo... kaso sabi ko... ano kaya kung dun tayo sa "MO's Burger".. mukhang ok naman jan.. and truthfully.. sulit.... sobra....

eto inorder ko.... panalo..

wow all in a days work.. may pinuntahan pa kami kaso next time ko na kwento... mahaba pa naman ang lalakbayin eh... sayonara!

what a day...

konnichiwa minnasan...


just got home from work/play and what a day i had.. but before heading home... the girls (me, ryan and mars) went to "mister donut" to grab a bite to eat and a coffee to sip... a nice closure for a week of hard work...

ayy i forgot to mention.... may cute japanese girl dun sa daisu (hyaku store - where they sell 100 yen items... kung baga sa pinas, yan yung 35 pesos isang item o 3 isang daan) kamukhang kamukha nya si "kim chu" the only difference is that she's 5'9" and medyo may laman sya compared kay kim.. pero yung facial features nya... kim na kim... ang name nya ay "Konno" o di ba... sana bukas nandun sya.. pramis kakapalan ko mukha ko para magpapicture... ehehehehe

hay eto na naman ako at mag kukwento ng katarantaduhan ko today... and eto basically ang start ng aking adventures.. "Kwentong Barbero"...

try ko na everyday i update ko kayo ng happening sa buhay ko (parang interesado kayo no kapal din ng mukha ko) at pictures na kinunan ko while exploring the wonderful world of "JAPAN"... hopefully makapag post ako ng 1 pic a day o depende sa akin.... a link to a site na sa tingin ko ay makabubuti sa kaisipan.... o kaya naman wala lang trip ko lang...

ok... let's start... before.. ang alam ko lang sa japan eh ang food, ang anime, at ang porno nila... pero sa 2 months ko ng stay dito... i see another side of the Japanese... napaka disciplined nila... at yun ang kinainggitan ko... "bakit kaya di kayang gawin sa pilipinas ito?" and to think mas rich ang culture natin.... hay gobyerno...

ok... click nyo tong site na to... *site na to* isa sya sa paborito kong japanese character... ma appeal sya.. pramis... panoorin nyo at di kayo magsisisi.. ehehehehe..


eto pala pic ng mt. fuji... mejo malayo pero tanaw mo... para syang halo halo na may yelo sa tuktok.. ehehe galing. it's very rare na makita namin ito... dahil maulap sa lugar namin pero dahil bumagyo nung gabi.. aba maaliwalas ang umaga... *taran*