Monday, January 28, 2008

videokeking!

a beautiful queen..

umattend ako last saturday ng coronation night ni ms. rachel mcadams ng timog forum, mostly filipinos based in japan chat here... and i am blessed to have meet such wonderful people.. and i'm glad i attended the occasion.. it was very fun...

mahal pala ang karaoke dito sa japan... kaya siguro pag dating ng mga japanese sa pinas eh kuntodo sawa sila sa pag videoke dahil mura sa pinas... dito ginto... pero hi-tech ah.. yung remote control nila.. touch screen... astig!

ginabi ako ng uwi kasi medyo nag extend pa ng konti... it was an honor to meet sir g33k... magkikita pa kami kapag ipapa custom firmware ko na yung PSP ko. bibili na kasi ako dahil may adjustment sa sweldo namin... SALAMAT!

reyna ng kajologans....

sunday was a mass day so for the first time.. nakumpleto kami going to church... siguro kasi may magpapaalam na sa grupo namin.. walang iba kundi si girlie...


i will survive!

"girlie... sa maiksing panahaon na nagkasama tayo sa trabaho... di lang kaibigan ang natagpuan ko... isang katiwala at isang kapatid... alam ko na isang pagsubok lang ito sa iyong buhay.. well that is life... i will pray for you and your husband to be... hayaan mo... may ibibigay si Lord sa iyo na mas maganda at mas deserving na path para sa iyo... you can do it tink... lab yah!"

naiiyak na naman ako... pero hindi eh... totoong kaibigan talaga si girlie... pramis... mamimiss kita pre...


jay-r... sayaw pa!

bilang pag gunita sa kanyang pag laya... nakahanap kami sa kannai area ng filipino "tabehodai". it is equivalent to the "eat all you can" sa pinas... for 1000 yen... pwede na.. at libre karaoke pa kaya kanta na!

naaalala ko tuloy nung college pa ako... sa may intramuros.. merong "wall" doon maraming kainang pang student meal talaga... ang pinaka paborito ko dun ay ang "eat all you kanin" kung saan ang babayaran mo lang ay ang ulam... sa halagang 35 pesos... patok na... ang lagi kong inoorder ay ang "porkchop".. matipid kasi ak osa ulam.. malakas ako sa kanin... kaya nga sulit na sulit yun... sogbu!

medyo iba ang time stamp na ito kasi dapat magagawa ko na sya.. kaso nag karoon lang ng konting aksidente... update ko kayo sa mga susunod kong blog.. bye guys! thanks for viewing! mwah!

No comments: